MRT at ang byahe ng buhay


Ang buhay ng tao parang pagbyahe gamit ang MRT.
Ang mga taong hindi nananampalataya, palaging nagmamadali. Gusto laging mauna, nakikipag-gitgitan para makasakay. Minsan nga nananakit pa para lang mauna.

Ganyan ang buhay ng taong walang Hesus sa kanyang buhay. Aapakan ang lahat ng taong nakahambalang sa kanyang daan tungo sa kanyang ninanais na pangarap.

Ang isang Kristiyano, hindi nagmamadali. Marunong magpa-ubaya, marunong magparaya. Kahit na mali-late siya sa pupuntahan niya, hindi yan naiinis at pasensya'y patuloy na pinahahaba.

Dahil alam niya na kahit ano pang gawin niya, ang Diyos lamang ang maaaring magdesisyon ng tagumpay niya. Kaya hindi siya sa sarili niyang lakas umaasa, kundi sa tinig ng Panginoon na kanyang naririnig sa pamamagitan ng Biblia. :)

No comments:

Post a Comment